
Ang inaabangan ng marami na pangalawang paghahandog ng pelikula ng malahiganteng mga makina na
Transformers 2: Revenge of the Fallen ay masasaksihan na simula bukas ika-24 ng Hunyo. Marami ang humanga sa unang pagkakataon na masilayan ang maaksyong pelikula ng mga naguupakang mga makina mula sa planeta ng
All Spark. Namangha ang marami dahil sa napakamodernong mga robot na nag-aanyong mga ibat ibang mga sasakyan o hayop. Noong unang pelikula ng
Transformers ay nanaig ang mga
Autobots na namagyagpag sa pangungun
a ni
Optimus Prime at ang bibong si
Bumble Bee laban sa napakalakas na pinuno ng mga
Decepticons na si
Megatron. Marami sa aking mga kahenerasyon ang sumubaybay sa kartoons na ito mula sa bansang hapon. Kakaiba at nakakamangha ang konseptong iprinisinta ng kartoons na ito na kahit ngayong may edad na ang henerasyon na yaon ay natutuwa pa din at nasasabik sa mga aksyong handog ng mga robot na ito. At siyempre may bida din namang tao sa pelikulang pinaghaharian ng mga robot. Isa nga sa mga hinahangaan ng mga kalalakihan ngayon ang nadiskubre at tampok sa pelikulang ito, siya si
Megan Fox. Nasisiguro akong lalong maipapakita ni
Megan Fox ang kanyang husay sa pag-arte at mapang-akit na alindog. Tiyak na maraming mga tao ang mananabik na panuorin ito lalo na sa mga magagandang sinehan ng
IMAX.
No comments:
Post a Comment