Chocolates are often associated with courtship and love, well basically because its sweet and many said that it is an aphrodisiac. For me, it has been my favorite and a craving for my sweet tooth. There are a lot of variety of chocolates among my favorite are snickers, m&m, ferrero rocher, and of course royce chocolates. One of my husband's treat last Valentine's day was a pack of royce chocolate, which he bought at Rockwell Power Plant. At first he said that he ordered it directly from Japan through his friend. Originally, this chocolates could only be purchased through the Narita airport in Japan. Since he frequent Japan then because of he being employed by a top Japanese IT company, he was able to give me this chocolate as one of his gifts. But what is so special with royce chocolate. Let's just say that it tastes different. It is simply smooth and majestic. When purchased, it needs special packaging of dry ice in order to maintain its form otherwise it would melt. I guess every chocolate lover should try this majestic chocolate treat.
Sony PSP Go to add Phone Feature?
Posted by Jean Aplacador-Santos | 10:04 PM | Gadgets, PlayStation Portable Console, Sony PSP | 0 comments »The next generation of Sony PlayStation Portable is reportedly being assessed to have a phone feature. This would perhaps rival the Apple iPhone, which has been a combination of iPod, wifi internet browser, and mini-computer with hundreds or even thousands of application available for installation. Sony is planning to integrate cellular phone capability to its PlayStation Portable Go units through Sony Ericsson, which is a joint venture cellular phone company between Sony and Swedish mobile phone make Ericsson. The cellular phone feature will surely pack a lot of kicks in this new device to be unveiled by Sony which is expected to go on sale by October 1 in the North Americas for a reported price of $249. Some of the features of PSP Go are: 43% lighter than the current PSP, screen slider, 16GB of built-in flash memory, Bluetooth capability (which could possibly mean that it could be used as a PS3 controller).
Transformers: Revenge of the Fallen, rakes $201 Million in 5 days
Posted by Jean Aplacador-Santos | 8:18 PM | Top Box Office, Transformers | 0 comments »
The much awaited Transformers' sequel, Transformers: Revenge of the Fallen, has raked in $201 Million in just 5 days. This is the second largest box office records payout since Batman sequel 'The Dark Knight' which stars Heath Ledger as the Joker and Christian Bale as Batman. This behemoth upstart by the iconic robots has smashed the top box office hits in Hollywood. There are those moviegoers who said that the story of the Transformers: Revenge of the Fallen was a bit simplistic, but the battle scenes were simply astounding to say the least. The 2 and a half hour action packed movie will surely entertain most of the kids and action seeking adventurous movie goers, but it would almost certainly disappoint critics who are seeking more substance on the movie's story telling part. Nonetheless, this movie is truly a treat especially to the Transformers enthusiast because this movie introduced many new characters and more juggernaut robots.
Here are the list of this weekend's top 10 Box Office Records from Hollywood:
1. Transformers: Revenge of the Fallen ($112 M)
2. The Proposal ($18.466 M)
3. The Hangover ($17.215 M)
4. Up ($13.046 M)
5. My Sister's Keeper ($12.03 M)
6. Year One ($5.8 M)
7. The Taking of Pelham 123 ($5.4 M)
8. StarTrek ($3.606 M)
9. Night at the Museum: Battle of the Smithsonian ($3.5 M)
10. Away We Go ($1.678 M)
Source: Yahoo! Movies
Sunday Reflection: Jesus said, "Do not be afraid; just have faith"
Posted by Jean Aplacador-Santos | 6:09 AM | Gospel, Reflection | 0 comments »June 28, 2009
GOSPEL (Mk 5:21-43)
When Jesus had crossed again in the boat to the other side, a large crowd gathered around Him, and he stayed close to the lake. One of the synagogue officials, named Jairus, came forward. Seeing Him he fell at his feet an pleaded earnestly with Him, saying, "My daughter is at the point of death. Please, come lay your hands on her hands on her that she may get well and live." He went off with Him, and a large crowd followed him and pressed upon Him.
There was a woman afflicte with hemorrhages for twelve years. She had suffered greatly at the hands of many doctors and had spent all that she had. Yet she was not helped but only grew worse. She had heard about Jesus and came up behind him in the crowd and touched his cloak. She said, "If I but touch his clothes, I shall be cured." Immediately her flow of blood dried up. She felt in her body that she was healed of her affliction.
Jesus, aware at once that power had gone out from Him, turned around in the crowd and asked. "Who has touched my clothes?"
But His disciples said to Him, "You see how the crowd is pressing upon you and yet you ask, 'Who touched me?'"
And he looked around to see who had done it. The woman, realizing what had happene to her, approached in fear and trembling. She fell down before Jesus and told Him the whole truth.
He said to her, "Daughter, your faith has saved you. Go in peace and be cured of your affliction."
While He was still speaking, people from the synagogue official's house arrived and said, "Your daughter has died; why trouble the teacher any longer?"
Disregarding the message that was reported, Jesus said to the synagogue official, "Do not be afraid; just have faith." He did not allow anyone to accompany Him inside except Peter, James, and John, the brother of James.
When they arrived at the house of the synagogue official, He caught sight of a commotion, people weeping and wailing loudly. So he went in and said to them, "Why this commotion and weeping? The child is not dead but asleep." And they ridiculed Him. Then He put them all out. He took along the child's father and mother and those who were with Him and entered the room where the child was.
He took the child by the hand and said to her. "Talitha koum," which means, "Little girl, I say to you, arise!" The girl, a child of twelve, arose immediately and walked around. At that they were utterly astounded. He gave strict orders that no one should know this and said thats she should be given something to eat.
REFLECTION: In this Sunday's Gospel, Jesus emphasized the power of faith and that nothing is impossible with God. He cured two people in this Gospel. First is a woman with severe hemorrhages, which has been troubling the woman for twelve years. This woman has heard of the miraculous works of Jesus and has said to herself that if only she could touch the clothes of Jesus then she could be cured. Jesus then said to the woman that her faith has cured her. In this statement from Jesus, He could have acknowledged His healing power being responsible for the cure of the woman, but He opted to say that her faith was the one that cured her. The second miracle that Jesus showed in this Gospel is when He raised from the dead a little girl who the people were saying was already dead. Jesus told those who were weeping for the little girl's death, to be not afraid and have faith. This is a very powerful statement coming from Jesus. It gives us the assurance that God will do everything if only we have the firm faith in Him. We should never lose faith amidst the trials and tribulations that we are facing in our life. But we should always put in our mind that we should not panic and do not be afraid to face all our problems because if we have faith then nothing is too impossible for God who has power over all things.
Michael Jackson, the King of Pop, Passed Away at 50
Posted by Jean Aplacador-Santos | 6:14 PM | Michael Jackson | 0 comments »The fallen 'King of Pop', who once sold undisputed number of albums around the world and electrified his fans through his breathtaking concerts, has passed away Thursday afternoon, June 25. Initial reports suggests that he was in coma because of cardiac arrest and he succumbed at around 1:07pm of June 25.
Michael Jackson has been the artist that contributed largely to the music industry through his countless hits during the 80's and 90's. Hits like 'Thriller', 'Billy Jean', 'Bad', 'Ben' has captured the hearts of his heard of fans across the globe. I still remember when he held a concert here in the Philippines. His voice and dancing prowess just exemplifies him as an artist. His legacy and image was tarnished though with numerous controversies and media frenzies for his alleged acts of lasciviousness with boys whom he invited at his mansions. I guess his life and legacy will forever mark the music industry which he once contributed for over two decades. May the people judge him for his great contributions to the music industry and not make any frenzy over his alleged involvement with acts of lasciviousness and his numerous physical alterations.
King James will get help from Old Superman
Posted by Jean Aplacador-Santos | 11:49 PM | Cavaliers, Lebron James, Phoenix, Shaq, Trade | 0 comments »LeShaq attack coming next season! The Cleaveland Cavaliers has just acquired the old Superman from the Phoenix Suns in exchange for Ben Wallace, Sasha Pavlovic and some cash. Lebron James who obviously did not have enough help when needed most during the NBA playoffs has gained a formidable big man in the person of Shaquille O'Neal. Superman Shaq could bolster the front line of Cavs that could compete against the young and mighty big men of Orlando Magics. Could Shaq deliver another championship to another super guy in Lebron? He has already provided support and leadership with teams such as Orlando, Los Angeles and Miami. He has brought them to the finals and championships in the past together with superstar players such as Kobe Bryant and Dwayne Wade. Could next season be King James'? Could the dream Nike match up of Kobe and Lebron materialize finally? Shaq will definitely hold the key to these questions. Many NBA fans will surely love Kobe - Lebron rivalry in the finals.
ZestAir Plane overshoots a runway at Boracay Airport
Posted by Jean Aplacador-Santos | 11:08 PM | Boracay, Caticlan, Cebu Pacific, PAL express, ZestAir | 0 comments »A ZestAir MA60 plane overshoots a runway at the Caticlan airport in the morning of June 25. All the passengers and the crew of the plane were unhurt according to the local police. The incident was reported to Camp Krame at around 7:55am. The report says that ZestAir flight Z2-863 overshoot Runway 24 of the Caticlan airport. This airport is an access to the Philippines' most famous beach, the Boracay.
ZestAir is a new airline that was an offshoot of the old airline Asian Spirit. There were also many incidents involving the aircrafts of Asian Spirit. But ZestAir has been trying to repackage the airline to a cheap air transportation provider to compete with Cebu Pacific and PAL express. It was reported sometime ago that it has placed an order on A320 aircrafts during the recent air transportation show at France. I hope that ZestAir would also provide appropriate budget in maintenance of their current fleet of aircrafts in order to avoid these accidents.
Feria Weakens to Tropical Depression, but Continue to Suspend Classes!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 6:07 PM | Class suspension, DepEd, Feria, NDCC, Pagasa, Storm | 0 comments »Today is the second day that classes for elementary and secondary schools were suspended across Metro Manila. Students and teachers cheered this announcement from DepEd that includes me. These two days in a row of no classes made me relax as I only sleep, bum around the house and surf the net all day of course. I still want to go to school though to get some papers to work on. It is also a problem on my part to have piled up work once the classes resume.
Storm 'Feria' was downgraded to a Tropical Depression by Pagasa today because it has weakened as it passed the mountainous regions of Batangas and Mindoro. But Pagasa forecasted that it will cause more rains and thunderstorms in the areas of Batangas, Cavite, Mindoro and Metro Manila. So the DepEd, NDCC decided to suspend classes across the Metro in order to avoid having students being stranded. This is good I think because rains and difficulty in transportation could cause illness which could later on be suspected as AH1N1 symptoms. I just hope that Pagasa has correct forecast this time around.
Update Apple Ipod Touch and IPhone Software to Firmware 3.0
Posted by Jean Aplacador-Santos | 7:22 PM | Apple Firmware 3.0, Apple Ipod, Apple Itouch, Apple Software Update | 0 comments »Inilabas ng Apple kamakailan ang Firmware 3.0 para sa kanilang mga makabagong gadgets tulad ng iPhone at iTouch. Marami itong mga positibong mga pagbabago mula sa lumang software. Ang ilan sa mga pagbabagong ito ay ang mga sumusunod: (a) Cut, Copy, Paste (b) Landscape Keyboard (c) SpotLight Search (d) Improved Calendar (e) MMS (f) Voice Memos. Mayroong mga site ang nagbibigay ng libreng update para sa inyong Apple Ipod. Kailangan lamang ay idownload ang firmware sa kanilang website at install ito gamit ang pinakabagong bersyon ng Apple iTunes 8.2. Samantalang ang link naman kung saan matatagpuan ang libreng update ng inyong Apple Ipod/iPhone ay matatagpuan dito: Apple Firmware 3.0. Meron din namang pormal na update mula sa Apple na website para sa Firmware 3.0, ito naman ay matatagpuan dito: Apple Firmware 3.0. Ang pormal na update mula sa Apple ay nagkakahalaga ng sampung dolyar. Napakaraming mga applications ang naidagdag na sa Apple Firmware 3.0 at puwede ka ding magdagdag mula sa ibang mga developer ng Apple Apps.
Transformers 2 Bukas Na!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 3:47 AM | Autobots, Bumble Bee, Decepticons, IMAX, Megan Fox, Megatron, Optimus Prime, Revenge of the Fallen, Transformers | 0 comments »Ang inaabangan ng marami na pangalawang paghahandog ng pelikula ng malahiganteng mga makina na Transformers 2: Revenge of the Fallen ay masasaksihan na simula bukas ika-24 ng Hunyo. Marami ang humanga sa unang pagkakataon na masilayan ang maaksyong pelikula ng mga naguupakang mga makina mula sa planeta ng All Spark. Namangha ang marami dahil sa napakamodernong mga robot na nag-aanyong mga ibat ibang mga sasakyan o hayop. Noong unang pelikula ng Transformers ay nanaig ang mga Autobots na namagyagpag sa pangunguna ni Optimus Prime at ang bibong si Bumble Bee laban sa napakalakas na pinuno ng mga Decepticons na si Megatron. Marami sa aking mga kahenerasyon ang sumubaybay sa kartoons na ito mula sa bansang hapon. Kakaiba at nakakamangha ang konseptong iprinisinta ng kartoons na ito na kahit ngayong may edad na ang henerasyon na yaon ay natutuwa pa din at nasasabik sa mga aksyong handog ng mga robot na ito. At siyempre may bida din namang tao sa pelikulang pinaghaharian ng mga robot. Isa nga sa mga hinahangaan ng mga kalalakihan ngayon ang nadiskubre at tampok sa pelikulang ito, siya si Megan Fox. Nasisiguro akong lalong maipapakita ni Megan Fox ang kanyang husay sa pag-arte at mapang-akit na alindog. Tiyak na maraming mga tao ang mananabik na panuorin ito lalo na sa mga magagandang sinehan ng IMAX.
Big Brother nagpamudmod ng Murang Burger!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 3:12 AM | Anniversary, Big Brother, Burger | 0 comments »Ika-10 anibersaryo ng Big Brother's Burger ngayong ika-23 ng Hunyo. At dahil dito ay ibinababa nila ang kanilang presyo tulad ng presyo nila noong sampung taon na ang nakakalipas. Dalawang klase ng burger ang kanilang ibinida. Ang isa dito ay ang Big Brother Burger na kalahating pound ng burger. At ang ikalawa ay ang Brother pounder na may isang pound ng burger. Ibinenta nila ang Big Brother Burger ng 85 pesos mula sa orihinal nitong presyo na 175 pesos. Samantalang ang Brother Pounder naman ay 135 pesos mula sa 250 pesos. Dahil sa malaking diskwento na ito ay sinamantala ito ng marami upang makalasap ng kakaibang lebel ng burger ng Brother's Burger. Marami nga sa mga ito ay mga malalaking kumpanya na umorder ng tig-isandaang burger. At dahil sa dami ng order ay nahirapan na tugunan ng Big Brother's Burger ang napakaraming mga order. Ang iba pa nga ay naghintay ng ilang oras upang makakuha lamang ng burger na ito. Mayroon pa kayong ilang oras upang humabol sa promo na ito ng Big Brother's Burger dahil hanggang alas diyes pa ito ng gabi ngayong araw.
Ang Aking Sister-In-Law malapit na Ikasal!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 2:49 AM | Engagement, Photos, Wedding | 0 comments »Masdan niyo ang napakagandang larawan ng Engagement ng aking Sister-in-Law. Kami ng aking asawa ay masayang-masaya dahil malapit na ngang matupad ang inaasam-asam na pag-iisang dibdib ng aking Sister-In-Law at ng kanyang napakagandang lalaki at mabait na kasintahan. Kakapadala lamang ng aking Sister-In-Law ng kanyang mga larawan kaya't nasabik naman ako at sinulat ko agad dito sa aking blog. Alam namin na magiging masaya at mabunga ang pagsasamahang mag-asawa ng aming Sister-In-Law sapagkat silang dalawa ng kanyang kasintahan ay matagal ng magkakilala at alam na alam na nila ang isa't isa. Medyo matagal din ang hinintay ng aking Sister-In-Law para sa sandaling ito. Ngunit alam namin na sulit naman ang paghihintay na yaon sapagkat para sa isa't isa talaga silang dalawa. Gaganapin nga pala ang kanilang kasal sa Amerika. Medyo nakakalungkot lamang isipin na hindi kami makakadalo at makakasaksi sa kanilang kasalan ay buong saya naman namin silang binabati ng isang masaya at mabunga, at mas matatag pang pag-iibigan na patatagin pa ng basbas ng Panginoon sa kasal.
Aling Dionisia Pacquiao nasa Showbiz na nga! Taga-Bandera na!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 6:09 PM | Aling Dionisia, Aling Dionisia Pacquiao, Bandera, Hatton, Inquirer, Libre, Manny Pacquaio, Ricky Hatton, Showbiz | 0 comments »Si Aling Dionisia, ang ulirang ina ng iniidolo ng bayang Pilipinas na si Manny Pacquiao, ay opisyal ng taga-endorso ng Bandera (Balita, Buenas, Chika). Namataan kamakailan ang malaking patalastas ni Aling Dionisia sa pahayagang Libre (isang libreng tabloid ng Philippine Daily Inquirer). Nabalitaan dati ang pag-ayaw ni Aling Dionisia sa pagpasok sa larangan ng showbiz dahil sa mga tsismis na agad kumalat na may relasyon daw ang Donyang ina ng pinakatanyag na boksingero sa kanyang DI (Dance Instructor). Pinasinungalingan naman ito ni Aling Dionisia. Palaban pa nga itong nagsabi na wala itong katotohanan at di rin daw totoo ang paghingi ng batang DI sa kanya ng ilang milyong piso. Talaga nga namang nanalaytay sa dugo ng mga Pacquiao ang pagkahilig sa pagpasok sa showbiz. Tulad ni Manny na sumabak na din sa pelikula, telebisyon at politika ay maaaring unti-unting pasukin na din ni Aling Dionisia ang mga ganitong larangan. Matatandaang sumikat si Aling Dionisia at nabigyan ng pansin dahil sa kakatuwa niyang mga interview sa telebisyon noong una siyang nakapunta sa bansang Amerika noong kasagsagan ng laban ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao kay Ricky 'The Hitman' Hatton. Marami ang natuwa sa kanyang paglibot, pamimili at pagdiskubre sa mga lugar sa bansang Amerika. Sinubaybayan din ang kanyang mga pag-indak ng ipinagdiwang niya ang kanyang engrandeng kaarawan. Walang masama kung ipagpapatuloy ni Aling Dionisia ang kanyang pagsabak sa larangan ng showbiz. Sana nga ay matuloy ang pagtatambalan nila ni Anabelle Rama sa pelikula na napapabalitang may pinaplanong pamagat na 'Monster Mom 2'. Napapabalita nga lamang na tutol sa komedyang pelikula si Aling Dionisia at mas nagugustuhan nito ang mga madamdaming mga pelikula o kaya nama'y yaong may mga maaksyong eksena.
Mga Kabataan Nangunguna sa Eleksyon 2010, 1M mga bagong rehistradong botante!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 8:20 PM | Automated Election, Comelec, Democracy, Melo, Philippine Elections 2010, Philippine Government | 0 comments »Isang milyong mga bagong botante ang nagparehistro mula Disyembre 2008 hanggang Marso 2009 ayon sa tanggapan ng Komisyon ng Eleksyon. Ayon sa Komisyon ay mayroon ng 44 Milyong botante ang kasalukuyang nakarehistro sa kanilang talaan. Ang kanilang target ay 50 Milyong botante sa pagtatapos ng taong kasalukuyan. Ito naman daw ay kaya pang maabot ayon sa Komisyon. Halatang marami sa ating mga kabataan ang nagnanais na magkaroon ng mga mahuhusay na lider sa susunod na eleksyon. Marami ang nakikilahok at may pakialam sa sistemang politikal sa ating bansa. Marahil ay marami na din ang nasasabik sa isang automatikong eleksyon na pilit na isinasakatuparang ng Komisyon ng Eleksyon sa pamumuno ni Chairman Melo. Sana ay magtuluy-tuloy pa ito at maihalal ng ating taong bayan ang mga karapat dapat na mga lider sa puwesto. Ayon nga sa mga eksperto, kinakailangan ng 25 na taon bago maghilom ang mga sugat na tinamo ng isang demokrasyang nasadlak sa kapahamakan (sa ating bansa, ito ay nagalusan noong rehimen ni Marcos kung saan ang ating bansa ay sumailalim sa madilim na pamamahala ng batas militar). Sana ay magkatotoo ang pagprogreso ng ating bansa na magsisimula sa isang tapat at malinis na gobyerno na siyang mag-aakay sa marami nating mga kababayan tungo sa isang maunlad na lipunan.
Pagiging Bukas Palad
Posted by Jean Aplacador-Santos | 9:53 PM | Children Help, Education, Outreach Program, World Vision, World Vision Philippines | 0 comments »Sa panahon ngayon ng internet, youtube, cellular phone, ipod at kung anu-ano pang mga makabagong teknolohiya ay napakarami pa din tayong mga kababayan na hindi man lamang makaabot o makasunod sa mabilis na takbo ng ating panahon. Napakaraming mga kabataan ang salat hindi lamang sa pagkain, damit at masisilungan kundi sa karunungan dulot ng maayos na turo ng paaralan. Marami sa mga kabataan sa ating bansa ang nagnanais na makabasa at makasulat at maabot ang kaalaman ng ibang kabataan ngunit hindi nila ito mabigyan ng prioridad sapagkat sila ay napipilitan na tumulong sa kanilang mga magulang upang matustusan ang pang-araw-araw ng kanilang pamilya. Istorya ito ng di iilan sa ating mga kabataang pinoy na kapus palad kundi milyon milyon silang ganito ang kalagayan. Di na nating makuhang sisihin pa ang kanilang sitwasyon kundi ang kailangan nila ngayon ay pag-unawa at kaunting tulong upang sila naman ay magkaroon ng oportunidad na maiahon ang kanilang buhay at makasabay din sa bumibilis na daloy ng buhay ng ating mundo. Ang mga nangangailangang kabataang ito ay ang nais na tulungan at bigyang pansin ng World Vision Philippines. Magtatalong taon na din kaming tagasuporta ng organisasyong ito na patuloy na tumutulong sa mga pinakamahihirap na komunidad sa ating bansa. Wala man tayong panahon upang maipamahagi ang ating tulong sa mga kapus palad na ating mga kababayan ay mayroon namang sistema ang World Vision Philippines upang tulungan natin ang ating mga kabataang nangangailan. Sila ay nagbibigay ng tulong pang-edukasyon, ispiritwal, at pangkabuhayan sa mga komunidad na kinabibilangan ng mga kabataang nangangailangan sa ating lipunan. Sana lamang ay dumami pa lalo ang ating mga kababayan na maging bukas palad sa ating mga kababayan na nangangailangan lalo na sa mga kabataan na malayo pa ang mararating at nagnanais pa na makamtan ang maliwanag na bukas sa pamamagitan ng maayos na edukasyon.
Mga Guro sa Pampublikong paaralan ng San Francisco High School sa QC nagbebenta ng workbooks?
Posted by Jean Aplacador-Santos | 11:48 PM | DepEd, High School Scandal, Pinay Scandal, Textbook Scandal, Workbook | 0 comments »Nagreklamo kamakailan ang aming pinsan na nag-aaral sa pampublikong paaralan ng San Francisco High School sapagkat sila raw ay binebentahan ng workbook ng kanilang mga guro. Noong una ay inakala naming isang gurong sa isang subject lamang ang nagbebenta ng kanyang workbook ngunit naglaon ay lahat pala ng kanilang mga guro ay nagbebenta. Ang halaga ng mga workbook na ito ay 120 pesos hanggang 150 pesos bawat grading period. Kung susumahin parang mas mahal pa ang mga workbook na ito sa mga textbook na binebenta sa mga pribadong paaralan. Sinasabihan na lamang di umano ang mga mag-aaral na magkakaroon sila ng +5 sa kanilang grado sa kard kapag sila ay bumili ng mga workbook na ito. Nakakalungkot sapagkat tila di naman pala sila binibigyan ng paaralan ng kanilang mga textbook mula sa DepEd. Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga guro sa mga pampublikong mga paaralan ang nagsasamantala sa kanilang mga mag-aaral. Napakahirap pa naman ito sa mga sa kapus-palad nating mga kababayan na ginagapang ang kanilang mga anak upang makapag-aral lamang. Sana ay mapagbigyang-pansin ito ng mga kinauukulan lalo na ng DepEd at mga opisyal ng tanggapan ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Quezon.
YouTube binabalak pagkakitaan na ng Google!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 11:05 PM | Careless Whisper, Charice Pempengco, Google, Hayden, Katrina, Pinay Scandal, Scandal, Scandal sa YouTube, Susan Boyle, YouTube | 0 comments »Ang paborito nating lugar sa internet para manuod at magpamahagi ng video ay balak na di-umanong lagyan ng mga patalastas ng Google. Ang YouTube ay nabili dati pa ng Google sa halagang 165-bilyong dolyar. Sa mga patalastas sa internet nagmumula ang kita ng Google, ang higanteng kumpanya na kilala bilang nangungunang hanapan ng mga ating ninanais na lugar sa internet. Ang katanungan ko lamang dito ay magkakaroon kaya ng insentibo ang mga taong nagpapamahagi ng video? Alam naman nating marami na ang sumisikat dahil sa pagkakadiskubre sa kanila sa YouTube. Napapanuod lamang dati ang mga bituin tulad nina Charice Pempengco, Susan Boyle, atbp sa YouTube ngunit dahil sa dami ng kanilang manunuod sa buong mundo ay nabigyan sila ng kaukulang pagkakataon upang sumikat at makilala sa iba't ibang parte ng mundo. Sana ay maisaayos din ng Google at YouTube ang insentibo sa mga taong nagpapamahagi ng kanilang mga video. Sa kabilang dako naman, sana ay pag-ibayuhin din nila ang pagbabawal ng mga video na scandal tulad ng Hayden-Katrina Careless Whisper na video. Sapagkat ang mga ito ay madaling mapanuod ng mga bata.
May Bakuna na nga ba laban sa trangkasong AH1N1 o Swine Flu?
Posted by Jean Aplacador-Santos | 7:45 PM | AH1N1, Bakuna, Novartis, Swine Flu, Vaccine | 0 comments »
Grabe na nga at lumalala na ang pagkalat ng kinatatakutang trangkaso na AH1N1 o Swine Flu sa ating bansa. Pati sa mga malalayong pook tulad ng Jaen, Nueva Ecija ay napababalita na ding may mga kaso ng trangkasong AH1N1. Kamakailan ay nagkaroon na nga ng deklarasyon ng pangkomunidad na pagkalat ng nasabing trangkaso sapagkat napakaraming mag-aaral sa elementarya ang nagpakita ng mga simtomas ng trangkaso at pati na din sa mga iba pang mga residente ng naturang lugar ay tila nahawa na din. Sa kamaynilaan naman ay patuloy na dumarami na din ang nag-uulat ng mga kaso ng trangkasong AH1N1. Nandiyan ang siyudad ng Makati na napaulat na may anim na kaso. Sinabi naman ng alkalde ng Makati na gagastusan nila ang pagpapabakuna ng mga empleyado ng tanggapan ng siyudad. Ngunit ang bakunang ito ay pang-ordinaryong trangkaso pa lamang. Sapagkat ang bakuna kontra sa trangkasong AH1N1 ay kasalukuyan pa lamang na sinasailalim sa pagsusulit upang matiyak ang bisa nito. Ang higanteng kumpanyang pang-gamot na Novartis ang unang kumpanya na nakagawa ng nasabing bakuna. Binabalak naman nilang isapubliko ang pagbenta ng nasabing bakuna sa mga susunod na buwan. Ang aking pagdasal lamang ay sana hindi naman gaanong lumala pa ang pagkalat ng kinatatakutang trangkaso at makabili din ang ating gobyerno ng sapat na bilang ng bakuna laban dito upang tuluyan ng mapawi ang pangamba ng mga tao.
Ano ba kayo, Kapuso o Kapamilya?
Posted by Jean Aplacador-Santos | 7:49 AM | ABS-CBN, GMA 7, Kapamilya, Kapuso | 0 comments »Sa ngayon, dalawang nag-uumpugang istasyon sa telebisyon ang nagpapatalbugan upang makuha ang mga manunuod na Pilipino. Nandiyan ang mga Kapusong GMA-7 na kasalukuyang namamagyagpag sa Kamaynilaan ayos sa sarbey ng AGB Nielsen. Napansin kong ang mga kapuso ay mas pinapaboran ang temang pantaserye tulad ng Zorro, Darna, Dyesebel, Joaquin Bordado, at Totoy Bato. Mayroon din silang adaptasyon ng mga soap opera mula sa ibang bansa tulad ng All About Eve, Marimar, Ako si Kim Samsoon atbp. Samantalang ang Kapamilyang ABS-CBN naman ay nahihilig sa mga drama na medyo orihinal tulad ng May Bukas Pa, Tayong dalawa, Maging Sino Ka Man. Mayroon din naman silang adaptasyon mula sa soap opera sa ibang bansa tulad ng Betty LaFea, Only You, My Girl, atbp. Andyan din ang mga nagpapalakihan ng papremyong mga gameshow, tulad ng Pinoy Bingo Nights, Pilipinas Game Ka na Ba, at Wowowee. Napakahirap talaga mamili minsan batay sa mga programa ng dalawang istasyon. Pilit na tinatapatan at nagpapauso ng mga iba't ibang programa ang dalawang higanteng istasyon upang mapanalunan ang panlasa ng bawat pinoy na naghahanap ng konting libangan at mapagkukunan ng inspirasyon, balita, pag-asa, at gabay. Kayo ba, Kapuso o Kapamilya?
Alamin ang mga bagay bagay batay sa iyong Kaarawan!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 10:19 PM | Astrology, Birthday, Birthday Calculator | 0 comments »
Ako ay pinanganak noong ika-25 ng Mayo 1981. Naintriga ako sa napakaraming impormasyon na binigay ng website na ito: http://www.paulsadowski.org/BirthDay.asp. Sinasabi dito ang mga interesanteng bagay tulad ng kung kailan ka binuo ng iyong mga magulang, life path, mga kabertdey mo na mga sikat na personalidad, mga pumatok na kanta nung araw ding ikaw ay isinilang (grabe, at sikat pala noon ang Physical ni Olivia Newton-John kaya pala ako ay mahilig sa ehersisyo - sa kabaliktaran, hehe), at kung anu-ano pang katutuwaan at kalokohan din.
Ito nga pala ang kabuuang resulta ng aking bertdey calculator:
Your date of conception was on or about 1 September 1980 which was a Monday.
You were born on a Monday
under the astrological sign Gemini.
Your Life path number is 4.
Your fortune cookie reads:
If you continually give, you will continually have.
Life Path Compatibility:
You are most compatible with those with the Life Path numbers 2, 4, 8, 11 & 22.
You should get along well with those with the Life Path numbers 6 & 7.
You are least compatible with those with the Life Path numbers 1, 3, 5 & 9.
The Julian calendar date of your birth is 2444749.5.
The golden number for 1981 is 6.
The epact number for 1981 is 24.
The year 1981 was not a leap year.
Your birthday falls into the Chinese year beginning 2/5/1981 and ending 1/24/1982.
You were born in the Chinese year of the Rooster.
Your Native American Zodiac sign is Elk; your plant is Mullein.
You were born in the Egyptian month of Mesore, the fourth month of the season of Shomu (Harvest).
Your date of birth on the Hebrew calendar is 21 Iyyar 5741.
Or if you were born after sundown then the date is 22 Iyyar 5741.
The Mayan Calendar long count date of your birthday is 12.18.7.17.5 which is
12 baktun 18 katun 7 tun 17 uinal 5 kin
The Hijra (Islamic Calendar) date of your birth is Monday, 21 Rajab 1401 (1401-7-21).
The date of Easter on your birth year was Sunday, 19 April 1981.
The date of Orthodox Easter on your birth year was Sunday, 26 April 1981.
The date of Ash Wednesday (the first day of Lent) on your birth year was Wednesday 4 March 1981.
The date of Whitsun (Pentecost Sunday) in the year of your birth was Sunday 7 June 1981.
The date of Whisuntide in the year of your birth was Sunday 14 June 1981.
The date of Rosh Hashanah in the year of your birth was Tuesday, 29 September 1981.
The date of Passover in the year of your birth was Sunday, 19 April 1981.
The date of Mardi Gras on your birth year was Tuesday 3 March 1981.
As of 6/11/2009 12:18:30 AM EDT
You are 28 years old.
You are 337 months old.
You are 1,463 weeks old.
You are 10,244 days old.
You are 245,856 hours old.
You are 14,751,378 minutes old.
You are 885,082,710 seconds old.
Celebrities who share your birthday:Lauryn Hill (1975) Anne Heche (1969) Mike Myers (1963) Connie Sellecca (1955) Frank Oz (1944) Leslie Uggams (1943) Ian McKellen (1939) Tom T. Hall (1936) Beverly Sills (1929) Robert Ludlum (1927) Miles Davis (1926) Jeanne Crain (1925) Claude Akins (1918) Ralph W. Emerson (1803)
Top songs of 1981
Your age is the equivalent of a dog that is 4.00939334637965 years old. (You're still chasing cats!)
Your lucky day is Wednesday.
Your lucky number is 5.
Your ruling planet(s) is Mercury.
Your lucky dates are 5th, 14th, 23rd.
Your opposition sign is Sagittarious.
Your opposition number(s) is 3.
Today is not one of your lucky days!
There are 348 days till your next birthday
on which your cake will have 29 candles.
Those 29 candles produce 29 BTUs,
or 7,308 calories of heat (that's only 7.3080 food Calories!) .
You can boil 3.31 US ounces of water with that many candles.
In 1981 there were approximately 3.6 million births in the US.
In 1981 the US population was approximately 226,545,805 people, 64.0 persons per square mile.
In 1981 in the US there were 2,438,000 marriages (10.6%) and 1,219,000 divorces (5.3%)
In 1981 in the US there were approximately 1,990,000 deaths (8.8 per 1000)
In the US a new person is born approximately every 8 seconds.
In the US one person dies approximately every 12 seconds.
In 1981 the population of Australia was approximately 15,054,117.
In 1981 there were approximately 235,842 births in Australia.
In 1981 in Australia there were approximately 113,905 marriages and 41,412 divorces.
In 1981 in Australia there were approximately 109,003 deaths.
Your birth flower is LILY
Your birthstone is Emerald
The Mystical properties of Emerald
Though not meant to replace traditional medical treatment, Emerald is used for physical and emotional healing.Some lists consider these stones to be your birthstone. (Birthstone lists come from Jewelers, Tibet, Ayurvedic Indian medicine, and other sources)
Agate, Chrysoprase
Your birth tree is
Ash Tree, the AmbitionUncommonly attractive, vivacious, impulsive, demanding, does not care for criticism, ambitious, intelligent, talented, likes to play with its fate, can be egoistic, very reliable and trustworthy, faithful and prudent lover, sometimes brains rule over heart, but takes partnership very serious.
There are 197 days till Christmas 2009!
There are 210 days till Orthodox Christmas!
The moon's phase on the day you were
born was waning gibbous.
Karagdagang 5 Estudyante Pa May AH1N1 (Swine) Flu
Posted by Jean Aplacador-Santos | 1:40 AM | AH1N1, Marikina, Students, Swine Flu | 0 comments »
Limang estudyante pa ang karagdagang bilang sa mga kumpirmadong may AH1N1 (Swine) Flu ngayon. Nakakatakot na talaga ang mabilis na paglaganap na ito ng kinatatakutang flu virus. Lalo't pati ang mga kabataan at natural na pati ang kanilang mga guro ay maaari na ring mahawaan ng kinatatakutang flu virus. Kailangan ng ibayong pag-iingat lalo na sa mga estudyante at mga guro upang mapaglabanan ang lalo pang malawakang paglaganap ng flu virus na ito. Ayon din sa mga bali-balita, maaaring isang estudyante sa isang pampublikong pang-elementaryang paaralan ang positibo sa nasabing kinatatakutang flu virus. At dahil ang aming paaralan ay nasa Marikina, kinakailangan ng ibayo pang pag-iingat sa pamamagitan ng paghugas ng mga kamay, at pagpapatatag ng resistensiya sa pamamagitan ng mga bitamina at masusustansiyang pagkain.
Unang Araw ng Pasukan
Posted by Jean Aplacador-Santos | 6:28 PM | Education, First Day of School, High School, Scholastica, School, Teachers | 1 comments »
Ika-8 ng Hunyo, kaming mga guro at estudyante ay nagsimula ng pumasok. Bagamat maulan at matrapik ay excited pa din kami. Nagpunta kami sa aming mga takdang seksyon upang gabayan ang mga estudyante sa kanilang unang pagsabak sa pasukan ngayong taong ito. Nagulat ako sa mga babaeng unang pasok pa lamang sa aming paaralan sapagkat di na sila tulad ng mga estudyante dati na mahiyain at di masyado nakikihalobilo sa mga ibang kaklase. Ang mga batang babae sa unang taon ay bibo at palakaibigan na sa kanilang kapwa kaklase. Panay din ang kanilang bati sa mga gurong katulad ko. Mukhang mapapasabak na naman ako ngayong taon. Iba-ibang ugali, iba-ibang kakulitan, iba-ibang antas sa buhay ang mga estudyanteng aking kakaharapin. Ngunit nababatid kong magiging maulan at pagkaraon ay magiging masaya, makulay at maliwanag din ang hinaharap para sa amin.
Spa ng Wellness Masters bukas na!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 6:17 PM | Footspa, Massage, Negosyo, Shiatsu, Spa, Spa Business, Swedish, Wellness | 0 comments »Ang matagal ng kinakapanabikang negosyo ng aking kumpare at kumare na sina Ava at Oliver ay nagbukas na sa wakas. Sakto namang kumakapal na ang aking mga kalyo sa paa at ilang araw na ring nangangawit sa kalalakad ang mga ito. Kaya't naisip kong pumasyal sa kanilang spa at maglustay ng 175 pesos para sa isang oras na pagmamasahe sa aking mala-sayoteng mga paa. Di ko namalayang ako pala ang kanilang unang customer, ang wish ko lang wag naman sana ako ang huli, hehe, sapagkat alam kong malaki-laking puhunan ang kanilang ginugol dito. Si pareng Oliver pa nga'y nagbakasyon muna sa kanyang trabaho upang matutukan ang negosyong ito. Alam ko namang magiging maswerte ang kanilang anak na si Aver kaya't sana marami pang mga paa ang maglakad at magpamasahe sa mga manang na may minsang malambot at mapwersang mga kamay. Kaya't kung gusto niyo ding mapagbigyan ang hiling ng inyong mga naghihingalong mga paa, braso, likod, ulo at kung anu-ano pang parteng pwedeng masahiin ay pumunta na sa ikalawang palapag ng C&B mall na nasa tapat lang ng aming iskwelahang pinakamamahal na St Scholastica. Hanapin lamang si Ava, Oliver at Aver para sa karampatang diskwento, hehe...