Ika-8 ng Hunyo, kaming mga guro at estudyante ay nagsimula ng pumasok. Bagamat maulan at matrapik ay excited pa din kami. Nagpunta kami sa aming mga takdang seksyon upang gabayan ang mga estudyante sa kanilang unang pagsabak sa pasukan ngayong taong ito. Nagulat ako sa mga babaeng unang pasok pa lamang sa aming paaralan sapagkat di na sila tulad ng mga estudyante dati na mahiyain at di masyado nakikihalobilo sa mga ibang kaklase. Ang mga batang babae sa unang taon ay bibo at palakaibigan na sa kanilang kapwa kaklase. Panay din ang kanilang bati sa mga gurong katulad ko. Mukhang mapapasabak na naman ako ngayong taon. Iba-ibang ugali, iba-ibang kakulitan, iba-ibang antas sa buhay ang mga estudyanteng aking kakaharapin. Ngunit nababatid kong magiging maulan at pagkaraon ay magiging masaya, makulay at maliwanag din ang hinaharap para sa amin.
Unang Araw ng Pasukan
Posted by Jean Aplacador-Santos | 6:28 PM | Education, First Day of School, High School, Scholastica, School, Teachers | 1 comments »
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Lubos akong nagagalak at naiintindihan ang pagiging Guro.Isang mahirap na gawain pero ito ang nagpapasaya sa atin pag binabahagi natin ang ating kaalaman sa iba. Ang pagiging guro ay isang tatak ng pagkabayani. Thanks to all teachers and Professors.