Nagreklamo kamakailan ang aming pinsan na nag-aaral sa pampublikong paaralan ng San Francisco High School sapagkat sila raw ay binebentahan ng workbook ng kanilang mga guro. Noong una ay inakala naming isang gurong sa isang subject lamang ang nagbebenta ng kanyang workbook ngunit naglaon ay lahat pala ng kanilang mga guro ay nagbebenta. Ang halaga ng mga workbook na ito ay 120 pesos hanggang 150 pesos bawat grading period. Kung susumahin parang mas mahal pa ang mga workbook na ito sa mga textbook na binebenta sa mga pribadong paaralan. Sinasabihan na lamang di umano ang mga mag-aaral na magkakaroon sila ng +5 sa kanilang grado sa kard kapag sila ay bumili ng mga workbook na ito. Nakakalungkot sapagkat tila di naman pala sila binibigyan ng paaralan ng kanilang mga textbook mula sa DepEd. Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga guro sa mga pampublikong mga paaralan ang nagsasamantala sa kanilang mga mag-aaral. Napakahirap pa naman ito sa mga sa kapus-palad nating mga kababayan na ginagapang ang kanilang mga anak upang makapag-aral lamang. Sana ay mapagbigyang-pansin ito ng mga kinauukulan lalo na ng DepEd at mga opisyal ng tanggapan ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Quezon.
Mga Guro sa Pampublikong paaralan ng San Francisco High School sa QC nagbebenta ng workbooks?
Posted by Jean Aplacador-Santos | 11:48 PM | DepEd, High School Scandal, Pinay Scandal, Textbook Scandal, Workbook | 0 comments »
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment