Limang estudyante pa ang karagdagang bilang sa mga kumpirmadong may AH1N1 (Swine) Flu ngayon. Nakakatakot na talaga ang mabilis na paglaganap na ito ng kinatatakutang flu virus. Lalo't pati ang mga kabataan at natural na pati ang kanilang mga guro ay maaari na ring mahawaan ng kinatatakutang flu virus. Kailangan ng ibayong pag-iingat lalo na sa mga estudyante at mga guro upang mapaglabanan ang lalo pang malawakang paglaganap ng flu virus na ito. Ayon din sa mga bali-balita, maaaring isang estudyante sa isang pampublikong pang-elementaryang paaralan ang positibo sa nasabing kinatatakutang flu virus. At dahil ang aming paaralan ay nasa Marikina, kinakailangan ng ibayo pang pag-iingat sa pamamagitan ng paghugas ng mga kamay, at pagpapatatag ng resistensiya sa pamamagitan ng mga bitamina at masusustansiyang pagkain.
Karagdagang 5 Estudyante Pa May AH1N1 (Swine) Flu
Posted by Jean Aplacador-Santos | 1:40 AM | AH1N1, Marikina, Students, Swine Flu | 0 comments »
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment