Ang paborito nating lugar sa internet para manuod at magpamahagi ng video ay balak na di-umanong lagyan ng mga patalastas ng Google. Ang YouTube ay nabili dati pa ng Google sa halagang 165-bilyong dolyar. Sa mga patalastas sa internet nagmumula ang kita ng Google, ang higanteng kumpanya na kilala bilang nangungunang hanapan ng mga ating ninanais na lugar sa internet. Ang katanungan ko lamang dito ay magkakaroon kaya ng insentibo ang mga taong nagpapamahagi ng video? Alam naman nating marami na ang sumisikat dahil sa pagkakadiskubre sa kanila sa YouTube. Napapanuod lamang dati ang mga bituin tulad nina Charice Pempengco, Susan Boyle, atbp sa YouTube ngunit dahil sa dami ng kanilang manunuod sa buong mundo ay nabigyan sila ng kaukulang pagkakataon upang sumikat at makilala sa iba't ibang parte ng mundo. Sana ay maisaayos din ng Google at YouTube ang insentibo sa mga taong nagpapamahagi ng kanilang mga video. Sa kabilang dako naman, sana ay pag-ibayuhin din nila ang pagbabawal ng mga video na scandal tulad ng Hayden-Katrina Careless Whisper na video. Sapagkat ang mga ito ay madaling mapanuod ng mga bata.

0 comments