Sa panahon ngayon ng internet, youtube, cellular phone, ipod at kung anu-ano pang mga makabagong teknolohiya ay napakarami pa din tayong mga kababayan na hindi man lamang makaabot o makasunod sa mabilis na takbo ng ating panahon. Napakaraming mga kabataan ang salat hindi lamang sa pagkain, damit at masisilungan kundi sa karunungan dulot ng maayos na turo ng paaralan. Marami sa mga kabataan sa ating bansa ang nagnanais na makabasa at makasulat at maabot ang kaalaman ng ibang kabataan ngunit hindi nila ito mabigyan ng prioridad sapagkat sila ay napipilitan na tumulong sa kanilang mga magulang upang matustusan ang pang-araw-araw ng kanilang pamilya. Istorya ito ng di iilan sa ating mga kabataang pinoy na kapus palad kundi milyon milyon silang ganito ang kalagayan. Di na nating makuhang sisihin pa ang kanilang sitwasyon kundi ang kailangan nila ngayon ay pag-unawa at kaunting tulong upang sila naman ay magkaroon ng oportunidad na maiahon ang kanilang buhay at makasabay din sa bumibilis na daloy ng buhay ng ating mundo. Ang mga nangangailangang kabataang ito ay ang nais na tulungan at bigyang pansin ng World Vision Philippines. Magtatalong taon na din kaming tagasuporta ng organisasyong ito na patuloy na tumutulong sa mga pinakamahihirap na komunidad sa ating bansa. Wala man tayong panahon upang maipamahagi ang ating tulong sa mga kapus palad na ating mga kababayan ay mayroon namang sistema ang World Vision Philippines upang tulungan natin ang ating mga kabataang nangangailan. Sila ay nagbibigay ng tulong pang-edukasyon, ispiritwal, at pangkabuhayan sa mga komunidad na kinabibilangan ng mga kabataang nangangailangan sa ating lipunan. Sana lamang ay dumami pa lalo ang ating mga kababayan na maging bukas palad sa ating mga kababayan na nangangailangan lalo na sa mga kabataan na malayo pa ang mararating at nagnanais pa na makamtan ang maliwanag na bukas sa pamamagitan ng maayos na edukasyon.
Pagiging Bukas Palad
Posted by Jean Aplacador-Santos | 9:53 PM | Children Help, Education, Outreach Program, World Vision, World Vision Philippines | 0 comments »
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment