Ano ba kayo, Kapuso o Kapamilya?

Posted by Jean Aplacador-Santos | 7:49 AM | , , , | 0 comments »

Sa ngayon, dalawang nag-uumpugang istasyon sa telebisyon ang nagpapatalbugan upang makuha ang mga manunuod na Pilipino. Nandiyan ang mga Kapusong GMA-7 na kasalukuyang namamagyagpag sa Kamaynilaan ayos sa sarbey ng AGB Nielsen. Napansin kong ang mga kapuso ay mas pinapaboran ang temang pantaserye tulad ng Zorro, Darna, Dyesebel, Joaquin Bordado, at Totoy Bato. Mayroon din silang adaptasyon ng mga soap opera mula sa ibang bansa tulad ng All About Eve, Marimar, Ako si Kim Samsoon atbp. Samantalang ang Kapamilyang ABS-CBN naman ay nahihilig sa mga drama na medyo orihinal tulad ng May Bukas Pa, Tayong dalawa, Maging Sino Ka Man. Mayroon din naman silang adaptasyon mula sa soap opera sa ibang bansa tulad ng Betty LaFea, Only You, My Girl, atbp. Andyan din ang mga nagpapalakihan ng papremyong mga gameshow, tulad ng Pinoy Bingo Nights, Pilipinas Game Ka na Ba, at Wowowee. Napakahirap talaga mamili minsan batay sa mga programa ng dalawang istasyon. Pilit na tinatapatan at nagpapauso ng mga iba't ibang programa ang dalawang higanteng istasyon upang mapanalunan ang panlasa ng bawat pinoy na naghahanap ng konting libangan at mapagkukunan ng inspirasyon, balita, pag-asa, at gabay. Kayo ba, Kapuso o Kapamilya?

0 comments