Ang matagal ng kinakapanabikang negosyo ng aking kumpare at kumare na sina Ava at Oliver ay nagbukas na sa wakas. Sakto namang kumakapal na ang aking mga kalyo sa paa at ilang araw na ring nangangawit sa kalalakad ang mga ito. Kaya't naisip kong pumasyal sa kanilang spa at maglustay ng 175 pesos para sa isang oras na pagmamasahe sa aking mala-sayoteng mga paa. Di ko namalayang ako pala ang kanilang unang customer, ang wish ko lang wag naman sana ako ang huli, hehe, sapagkat alam kong malaki-laking puhunan ang kanilang ginugol dito. Si pareng Oliver pa nga'y nagbakasyon muna sa kanyang trabaho upang matutukan ang negosyong ito. Alam ko namang magiging maswerte ang kanilang anak na si Aver kaya't sana marami pang mga paa ang maglakad at magpamasahe sa mga manang na may minsang malambot at mapwersang mga kamay. Kaya't kung gusto niyo ding mapagbigyan ang hiling ng inyong mga naghihingalong mga paa, braso, likod, ulo at kung anu-ano pang parteng pwedeng masahiin ay pumunta na sa ikalawang palapag ng C&B mall na nasa tapat lang ng aming iskwelahang pinakamamahal na St Scholastica. Hanapin lamang si Ava, Oliver at Aver para sa karampatang diskwento, hehe...
Spa ng Wellness Masters bukas na!
Posted by Jean Aplacador-Santos | 6:17 PM | Footspa, Massage, Negosyo, Shiatsu, Spa, Spa Business, Swedish, Wellness | 0 comments »
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments
Post a Comment