Ang Aking Sister-In-Law malapit na Ikasal!

Posted by Jean Aplacador-Santos | 2:49 AM | , , | 0 comments »

Masdan niyo ang napakagandang larawan ng Engagement ng aking Sister-in-Law. Kami ng aking asawa ay masayang-masaya dahil malapit na ngang matupad ang inaasam-asam na pag-iisang dibdib ng aking Sister-In-Law at ng kanyang napakagandang lalaki at mabait na kasintahan. Kakapadala lamang ng aking Sister-In-Law ng kanyang mga larawan kaya't nasabik naman ako at sinulat ko agad dito sa aking blog. Alam namin na magiging masaya at mabunga ang pagsasamahang mag-asawa ng aming Sister-In-Law sapagkat silang dalawa ng kanyang kasintahan ay matagal ng magkakilala at alam na alam na nila ang isa't isa. Medyo matagal din ang hinintay ng aking Sister-In-Law para sa sandaling ito. Ngunit alam namin na sulit naman ang paghihintay na yaon sapagkat para sa isa't isa talaga silang dalawa. Gaganapin nga pala ang kanilang kasal sa Amerika. Medyo nakakalungkot lamang isipin na hindi kami makakadalo at makakasaksi sa kanilang kasalan ay buong saya naman namin silang binabati ng isang masaya at mabunga, at mas matatag pang pag-iibigan na patatagin pa ng basbas ng Panginoon sa kasal.

0 comments