Ika-10 anibersaryo ng Big Brother's Burger ngayong ika-23 ng Hunyo. At dahil dito ay ibinababa nila ang kanilang presyo tulad ng presyo nila noong sampung taon na ang nakakalipas. Dalawang klase ng burger ang kanilang ibinida. Ang isa dito ay ang Big Brother Burger na kalahating pound ng burger. At ang ikalawa ay ang Brother pounder na may isang pound ng burger. Ibinenta nila ang Big Brother Burger ng 85 pesos mula sa orihinal nitong presyo na 175 pesos. Samantalang ang Brother Pounder naman ay 135 pesos mula sa 250 pesos. Dahil sa malaking diskwento na ito ay sinamantala ito ng marami upang makalasap ng kakaibang lebel ng burger ng Brother's Burger. Marami nga sa mga ito ay mga malalaking kumpanya na umorder ng tig-isandaang burger. At dahil sa dami ng order ay nahirapan na tugunan ng Big Brother's Burger ang napakaraming mga order. Ang iba pa nga ay naghintay ng ilang oras upang makakuha lamang ng burger na ito. Mayroon pa kayong ilang oras upang humabol sa promo na ito ng Big Brother's Burger dahil hanggang alas diyes pa ito ng gabi ngayong araw.

0 comments